Week 6: This is Not a Joke

Dahil sa umaapaw na intensity ng mga susunod na sasabihin ko, hindi ko na magawang makapag-English pa.

MAHAL KO ANG NUMBERS.

Joke! Mula pagkabata, alam ko nang hindi ko gusto ang mga numero at hindi rin nila ako gusto. MU nga kami kumbaga, pareho naming kinamumuhian ang isa’t isa. Buti na lang nga naka-survive ako kahit papaano sa elementary at high school math eh, ‘yun nga lang, ginapang ko talaga ‘to, lalo na ‘yung sa high school.

MAGALING AKO SA GEOMETRY.

Joke! Sa tanang buhay ko, sa subject na ito lang ako nagkaroon ng below 85 na grade sa report card. At ang masakit pa, feeling ko nun ako lang ang hindi makaintindi dahil tuwing klase, ‘yung mga kaklase ko gets agad ‘yung lesson ni ma’am. Napakalaking joke na sabihing magaling ako sa Geometry dahil ito ang pangunahing sanhi ng mga luhang inilabas ko noong 3rd year high school.

NADADALIAN AKO SA NUMBER SYSTEMS.

Joke! Alam naman ng buong mundo na sobra akong nag-struggle para lang ma-gets ‘tong lesson na ‘to. Nagpaturo pa ako sa pinsan ko at ilang ulit na binalik-balikan ang notes bago ko naintindihan ang mga proseso. Halos 20 pages din ‘yung pinrint kong sample exercises bago mag-exam para masigurong kaya kong mag-convert and all.

Tatlong hindi makatotohanang bagay. Tatlong pangarap. Tatlong jokes.

Pero ito ang hindi joke: SOBRA AKONG NAHIHIRAPAN SA BOOLEAN ALGEBRA. đŸ˜¦

xoxo, JM

Follow me: Twitter | Instagram

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s